-
Krisis sa tubig, pahirap sa mahihirap
Ang supply ng tubig ang pangunahing serbisyo ng pamahalaan subalit taon-taon ay bigo ang pamahalaan na mabigyan ng sapat na tubig ang maraming barangay sa Puerto Galera. Ngayon, dumaranas ng matinding problema sa tubig ang Poblacion, Palangan, Sabang, Sinandigan at iba pang barangay. Sa ibang sitio, halos 3 araw bago datnan ng patubig. Pinuputakti ng reklamo ang opisina ng patubig na walang tigil ang trabaho para kahit papaano ay mabigyang lunas ang kawalan ng tubig. Tanong ng taumbayan: Bakit walang tubig? Ayon kay Maurito Manongsong ng opisina ng patubig, ang level ng tubig sa “intake tank” sa Baclayan ay 40 centimeters lamang. Dahil dito kulang ang tubig na na-iimbak sa…


