-
Pagsira sa gubat, sanhi ng baha
“Sa tanang buhay ko, ngayon lang bumaha ng ganyan kalaki?” Karaniwang salita ng mga matatanda na naninirahan sa Poblacion, Balatero at White Beach pagkatapos maging saksi sa malakas na baha na dumaloy sa kanilang lugar. Hindi na kataka-taka na tumataas ang baha kada taon. Alam nating lahat na ang pangunahing sanhi ng baha ay ang patuloy na pagwasak sa ating kagubatan. Alam nating lahat na kapag walang pumipigil at sumisipsip sa tubig ulan, ito ay dadaloy sa mababang kapatagan patungo sa dagat. Maswerte pa rin ang bayan natin at ipinag-adya tayo sa trahedya. Maliban sa pagkasira ng bahay, walang nagbubuwis ng buhay tuwing may baha. Magpasalamat tayo at ganito lamang…


