-
Father Erwin Thiel ng Puerto Galera
(Isinulat ni Verginia Lineses Gutierrez) Taong 1902, ika 15 ng Hulyo, sa Berlin, West German, isinilang si Fr. Erwin Thiel SVD. Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang protestante, samantalang ang kanyang ina ay isang debotong Katoliko. Gayunpaman hindi ito naging hadlang upang ang kanyang mga magulang ay maikasal sa simbahang Katoliko. Dahil sa pagmamahal, nagawa pa ng kanyang ama na ipagtanim ng bulaklak na rosas ang kanyang ina upang may maialay ito sa Imahen ng Mahal na Birhen. Ang kanyang ina ay kinakitaan niya ng pagmamahal at pagkalinga sa mahihirap. Ito ay isang ugali na namana niya at isinagawa maging dito sa ating bayan. Labing…


