info

  • info

    Presyo ng isda, sana ibaba

    Bakit mahal ang presyo ng bilihin sa Puerto Galera? Isang pang-karaniwang katanungan na walang tiyak na kasagutan. Gawin nating simple at paliitin natin ang saklaw. Bakit mahal ang presyo ng isda sa Puerto Galera? Ang sagot daw ay dahil tayo ay isang “tourist town”, marami daw turista dito at “can afford” ang mga taga-Puerto. Himayin natin ang sagot na ito. Sa lahat ba ng “tourist town” ay mahal ang bilihin. Mali, di ba? Maraming “tourist towns” na mura ang bilihin, tulad ng Cebu, Davao, Baguio, Palawan at kahit sa Boracay. “Can afford” daw ang taga-Puerto, o ibig sabihin ay kayang bumili kahit mataas ang presyo. Tama ba ito, mali din?…