• Blog

    Wala Nang Balik sa Lumang Biyahe

    Marami pa rin ang nagtatanong kung bakit hindi na ibinabalik ang mga kahoy na bangkang de-katig sa biyahe mula Batangas papuntang Puerto Galera. Para sa ilan, ito ay mas mura at mas magaan sa bulsa. Pero ang totoo, hindi na ito pinapayagan ng batas. Ayon sa MARINA (Maritime Industry Authority), ipinagbabawal na ang mga kahoy na bangka sa malalayong biyahe gaya ng Batangas–Puerto Galera dahil sa batas na Republic Act 9295 at MARINA Circular No. 2016-02. Layon ng mga batas na ito ang modernisasyon at kaligtasan ng mga sasakyang pandagat. Nangyari na ang trahedya—isang outrigger ferry ang lumubog at maraming buhay ang nawala. Dahil dito, mas naging mahigpit ang gobyerno…